stupefied

This is the story of a girl, who cried a river and drowned the whole world, and while she looked so sad in photographs, I absolutely love her, when she smiles... -Nine Days

Monday, March 06, 2006

Pabili ng spark

Bear with me.

First time ko kasi na mag-blog sa Tagalog at para bagang awkward pa sa simula. Hindi naman ako balikbayan, o masasabing nag-fifeeling lamang, mas komportable lang ako mag-express sa Ingles. Sa totoo lang, mas madami naman kasing adjectives sa Ingles ang nababagay sa mga emosyon na naglalaro sa aking isipan sa araw-araw. Mas madami din ang metaphors. Halimbawa gusto ko isulat “I feel like he left a big hole in my heart.” Sa Tagalog “Pakiramdam ko nag-iwan siya ng malaking butas sa aking puso”. Parang matatawa ka sa halip na mag-symphatize.

Mahirap talagang maglarawan sa Tagalog, lalo na’t hindi ko naman ganon ka-kabisado yung wika. Sa Bicol kasi ako lumaki at nag-aral, at tanging sa asignaturang (subject) Filipino lang namin ito ginagamit. Ingles kasi yung medium of teaching sa amin, at Bicol naman yung dialect. Kaya nga nung lumuwas ako ng Maynila para sa CPA Board Exams Review ay talagang nahirapan ako mag-Tagalog. Di ko maikakaila na ako’y isang promdi kasi may kakaibang punto at pagbigkas. Halimbawa ung mga salitang “kasi”, “hindi” at “bakit” na kapag binigkas ko ay may diin sa huli ay binibigkas pala dito ng mas malambot na “kase” , “hinde” at “baket”.

Anyway, sa halos limang taon ko na pamamalagi dito sa Maynila ay masasabi kong nakapag-adapt nako at halos di mo na din maiisip na isa akong probinsyana.

Pansin ko masyado yatang napahaba ang aking kwento. Sasabihin ko lang naman talaga na etong pagsululat ko sa Tagalog ngayon ay trip lang. Try lang. Wala lang. For a change.

Hayaan mo na akong magkuwento. Kahapon kasi, nagkita kami ng mga high school friends ko, nanood kami ng Pride & Prejudice at kahit medyo nahirapan kami intindihin yung English accent nila ay kinilig pa din kami kay Mr. Darcy. Palibhasa sa edad na 25 ay mga single pa din, maliban sa isa, na may masasabing love life. Pati sa kainan ay love pa din ang topic. Hindi naman masasabi na “undesirable” kasi kahit papano ay may mga nanliligaw din. Kaso, bakit kaya kahit maayos naman ang mga ito (physically, mentally & financially) ay hindi pa din makuhang tumibok ang puso? Para bagang may kulang pa din.

Spark yata ang tawag dun. Yung parang fireworks. Yung parang may paru-paro lagi sa puso mo, yung eyeball mo tila heart-shaped na din, sasakit na labi mo sa kakangiti habang iniisip mo siya. Parang nababaliw ka, nabubulag at yung mundo mo lumiliit.

Tingin ko naman sa spark, e chemistry. Parehong wavelength, tila may common ground, nagkakaunawaan kahit walang salita. Yung kahit magkaiba kayo, di nawawala yung tulay sa pagitan nyo. Di kailangang parehong-pareho yung hilig, o yung ugali o yung opinyon o paniniwala pero nag-cocomplement kayo sa isa’t-isa. Yung weakness niya, strength mo. Natututo kayo sa isa’t-isa. Parang ikaw yung paa, siya yung sapatos. The shoe fits.

Sa pagkakalarawan ko sa spark, parang tumataas kilay ko. Para naman kasing superhero yung hinahanap ko. Parang di mo naman agad yun malalaman sa isang tao hangga’t di mo binibigyan ng panahon na makilala. Kaso naman pag binigyan mo ng panahon, parang binigyan mo na rin ng pag-asa. Minsan mapapasubo ka, lalo na kung mabait naman. Kukumbinsihin mo na lang sarili mo, ang imporatante mahal ka, matututunan mo din siyang mahalin.

Di kaya mas unfair yun? Para sakin ang pinakaimportante yung honesty. Pero depende yun sa tao. Madami din naman dyan ang nagpapakasal sa mga iba’t-ibang kadahilanan maliban sa love pero over time tsaka mga pagsubok na din na napag-dadaanan na magkasama ay natuturuan din ang puso. Meron din naman na tila new year yung relationship sa dami ng fireworks at spark pero katulad ng fireworks, panandalian lang. Namamatay din. Nagkakasawaan din.

Gayunpaman, gusto ko pa din sana maramdaman yung mga paru-paru. Isa akong hopeless romantic at kahit 25 na ako ay umaasa pa din sa magic. Naniniwala kasi ako na pag may gusto ka at ipinagdasal mo ng nakapikit ang mata at taimtim sa puso ay ibibigay yun sayo. Naniniwala din ako na somewhere out there, may maliligaw at mahahanap yung sarili nya sa akin. Yung tipong kahit di ko man alam ang pangalan nya, alam ko kung ano magpapasaya sa kanya.

Kaya ko yatang tumandang dalaga na lang kesa mag-settle sa isang “pwede na” o “just for the sake of”. Nakakatakot mawalan ng ngipin at buhok mag-isa, pero mas nakakatakot yatang mabuhay sa pagpapanggap. Kung magpapakasal ako, kailangan mahal ko talaga. Kailangan may spark.

Kaso masyadong mailap at tila out-of-stock. Nakakatakot din pala mag-isa.

San ba kase pwede makabili ng spark?





0 Comments:

Post a Comment

Links to this post:

Create a Link

<< Home

Blogarama - The Blogs Directory Free Web Counter
Free Site Counter
Powered by TagBoard Message Board
Name

URL or Email

Messages(smilies)

view my guestbook | sign my guestbook
get your free guestbook
www.flickr.com
maluwees' photos More of maluwees' photos
Blogarama